Maganda nga kung ganun. Kung ireregulate na ang bitcoin dito sa pilipinas, panigurado yung mga online shop pwede na din nila ipatupad ang bitcoin as payment. Mas maganda din na may ibang company ang mag gawa ng btc wallet na pwedeng mag cashout at cash in nationwide.
Eto ang the best comment jan kasi dahil monopolized ng coinsph ang exchanging ng btc to peso, kaya tuloy ang lakas ng loob nila magcharge ng sobra laking transaction fee. Sinasabi nila na wala daw sila profit dun at sa miners napupunta. Well, utot nila, bakit at the same moment 500pesos ang fee nila sa pagsend ng 100pesos pero sa ibang wallet e pwede naman ang 50pesos lang na fee sa same 100pesos na isesend. Kaloka sila.
May nabasa din kasi ako na malaki ang singil sa kanila na tax para sa pagiging exchanger/remittance kaya ipinapasa lahat yun sa users