Post
Topic
Board Pilipinas
Re: BTC/Cryptocurrency here in PH
by
FlightyPouch
on 03/12/2017, 11:33:07 UTC
Cryptocurrence like bitcoin were compared to low-cost remittance platform for Filipino that invest their hard-worked money but was too risky for lacking of regulatory protection for customers and has no safeguards, according to Ben Evardone, Easter Samar Rep.
 what are your thoughts?
link: http://business.inquirer.net/241672/filipinos-warned-vs-bitcoins-cryptocurrencies/amp

Napaka sikat na ng bitcoin, hindi man siya ganun kaalam sa atin pero dumadami na ang users ng bitcoin lalo na dito sa kontinente natin, which is the biggest continent in the world. Sa tingin ko sa pagsikat ng crypto currency na ito, kelangan na talaga natin na may magpopretekta sa mga transaksyon natin. Gusto ko na mairegulate ang bitcoin.

Sang ayon ako sa sinasabi mo. Sa napakabilis ng pagsikat ng bitcoin ngayon sa ating bansa, unti unti na din nating nakikita ang pagtaas ng presyo, ibig sabihin marami na ang gusto at may balak na bumili at kumita ng sarili nilang bitcoin. Kasunod nito syempre ang mga taong nagbabalak ng masama para kumita ng bitcoin, at ito and dahilan kung bakit kailangan natin ng mga taong magsesecure sa mga transactions natin.

Kung ireregulate man ng gobyerno ang bitcoin, sa tingin ko napakagandang way ito para ipakita sa iba pang mga Pilipino kung gaano makakatulong ang crypto currency or digital currency na ito. Hindi man mawawala ang negativity ng tao sa gobyerno at iisipin nila na may balak sila dito, sa tingin ko may maganda din itong maiidulot sa atin.