Sang ayon ba kayo kabayan na maging hakbang ito din sa pag-unlad ng ating bansa na para madali na din ang transakyon katulad sa ibang bansa.
Oo naman, why not di ba? Bakit di natin subukan yung mga bagay na makakatulong sa atin. Through cardless transactions, mas mapapadali yung pagwithdraw natin at less hassle pa. May chances na kinakain kasi ng atm yung cards natin at mas safe yata yung cardless. Wala kang masyadong iintindihin kasi kahit through mobile transactions madali lang ang pag cash out natin ng earnings natin.
Mas gusto ko pa yung cardless kasi kahit saan mamomonitor mo yung pera mo at hindi ka confined sa isang facility lang gaya ng bangko. Saka sa panahon ngayon mas mapapadali lalo na kung mobile phone ang gamit, lahat naman kasi mayroon nang mobile phone ngayon. Hindi na magiging mahirap ang magadapt sa ganoong sistema.