Dahil sa pagbibigay atensyon ng gobyerno sa Bitcoin, masasabi natin na nagaadvance ang kaalaman ng mga Pilipino lalo na sa relasyon natin sa ibang bansa. Bitcoin is universal. Naniniwala ako na darating din tayo sa puntong mostly lahat ng money transactions ay digital kaya as much as possible dapat maging aware tayong mga Pinoy sa Bitcoin.
Kung papatawan nila ng buwis ang Bitcoin pero ang kapalit naman nito ay regulasyon sa Bitcoin at seguridad sa Bitcoiners ay walang problema doon. Maituturing din naman kasi talaga na trabaho ang pagbibitcoin kaya bilang mamayan ng bansa, tungkulin natin magbahagi ng kita sa ating lupang sinilangan.