bakit nga ba private key ang hinahanap para ma access ang wallet at hindi password
requirements talaga kasi yan sa mga transaction na mangyayari at sa safety talaga ng account address mo lalo na sa mga hackers. Kung password lang wala talaga kasiguraduhan ang mga mga kinikita mo lalo na sa mahilig mag stock sa mga account nila. Kaya napakaimportante talaga ng private key na kailangan wag mo iwawala or ipapaalam.
isa pa sa importance ng private key e ung kahit na may makakuha ng device mo lalo na sa cp di nila maaccess yung wallet mo dahil nasayo ang private key o kaya kahit na masira ang device mo pwede mo pa ding maretrive ang wallet mo.
Tama po ito, pero make sure na hindi naka save dun sa nanakaw mong device yung private key, ang ilan kasi sa atin maski nga ako ay laging sini-save sa notepad ang private keys and passwords. Ingatan nalang din huwag manakaw o ipagamit sa iba ang mga personal device mo. At ang private keys, pede naman siguro sya isulat sa papel or notebook, tapos itago mo nalang sa safe na lugar. Iwasan din na magkasama sa isang notepad ang public at private key, kasi baka mamaya pag nag fi-fill up ka ng forms for airdrops halimbawa, private key mo na pala ang naka-copy paste mo, so ingat lang po lagi.