Magandang ideya kung gagamitin ang blockchain sa eleksyon dahil napaka-tight ng security nito para dayain ng mga pulitikong gahaman sa posisyon. Ang problema nga lang ay ang implementation nito, karamihan sa mga tao ay walang kaalaman tungkol dito sa blockchain, so kailangan ma-educate at ma-orient ang mga voters para maging fully operational ito pagdating ng eleksyon na nangangahulugan nang mahabang time ng paghahanda at nangangailangan ng malaking pondo. Ngunit kahit anong uri pa man ng security ang gamitin natin, kung meron talagang mandaraya ee gagawin at gagawin nila ito upang manalo. Nasa tao din naman ang sagot dahil pwede naman natin itong hindi gamitin kung tayo ay may konsensya at prinsipyo.