Makakapangdaya pa ba ang mga pulitiko?
Ang sagot dito ay oo at hindi. Kung gagamitin ang blockchain sa pag boto sa official eleksyon magiging malinis ang botohan at maiiwasan na yung bawas dagdag sa mga boto dahil permanente na ang mga data sa blockchain at hindi pwedeng palitan ng kahit na sino at isa pa open source ito kaya malalaman natin kung may kahinahinalang code na nakalagay. Pero hindi ibig sabihin nito na totally na mawawala na ang pandaraya, nasa voters parin yan kung ipagbibili nila ang boto nila sa maliit na halaga at wala ng magagawa ang blockchain para dyan dahil ito ay software lang.
Sabagay may point ka dito kayaban napakaganda kung blockchain ang gagamitin sa eleksyon para safe ang boto natin at maiwasan na ang dayaan upang umunlad naman ang ating bayan.