Sa ngayon, ang maibibigay kong trading site na ginagamit ko din eh Cryptopia at Bittrex. Pareho ko silang gamit ngayon at hindi pa naman ako nagkakaron ng problema sa kanila. Take note mo lang na mahigpit na sa Bittrex at pinapaverify nila na yung mga accounts ng mga users nila. Yung sa Cryptopia naman, hindi pa nila ako hinihingan ng kahit anong ID or documentation pero nakakapagtrade pa din ako gamit yung platform nila.
Regarding sa amount na need for trading, pede kang magstart ng 0.01 BTC. Sa amount na yun, makakapagtry ka ng magtrade pero kung may itataas naman budget mo, pinakamaganda eh maglaan ka ng 0.1 BTC. Nasa sayo na yun. Personal preference naman kung magkano ang gagamitin mo sa trading sessions mo eh.
Nasubukan niyo na po ba magwidraw sa Cryptopia kahit walang kayong ID na binibigay? Mahirap po kasi na nagttrade ka pero in the end di ka makapagwidraw kasi hihingan ka ng Id for verification tapos kapag nagsubmit ka naman ng requirements napepending lang. Sayang po effort pagtrade tapos di pala mawiwidraw ung kinita mo. May nababasa kasi po ako lalo na sa bittrex nakakapagtrade sila kahit di pa verified tapos nung sinubukan nila magwidraw hiningan ng ID then after magsubmit di naman naprocess ung verification nila. Ilang araw na silang nghihintay at nagcomplain wala pa ring action ung bittrex.