Meron pa ngang 1 btc taya mo tapus naka 80% kang chance winning pro tatlong sunod sunod parin ang talo imposible divah..
Hindi naman imposible bro, meron pa din chance kahit papano pero sobrang liit na bale yang example mo meron yan .8% chance
Hindi mo naintindihan bro i mean lhat ng nangyaring ganyan is possible at nang yari na saakin yan talong sunod sunod minsan nga ee limang sunod sunod kahit na naka higher chance ka pa.. dahil naka program lang yan lahat..
Oo galing sa program yung system pero hindi ibig sabihin kya nila controlin yung mga magiging resulta, dun papasok yung provably fair system
galing po ninyo tamang Tama let's talk about gambling totoo na di na mapipigilan ang gambling dito sa ating bansa kahit pinagbabawal patago pa Rin na ginagawa ang bawal sa atin dito sa pilipinas young iba nga may license to operate na kasi Kong alin pa ang bawal yon ang gusto ng tao hay buhay nga naman.
Maaari ka bang magbigay kung anung mga gambling games ang ipinagbabwal ng gobyerno na gusto ng tao, kase alam ko may lisensya halos lahat ng gambling na gusto ng pinoy. Maliban na lamang kung medyo gray o black market ang papasukan mo.
Sumusugal din ako dati pati mama at kuya ko. Hindi talaga advisable. Yung mama ko halos hndi na umuuwi kasi gustong makabawi hanggang na baon sa utang at nag loan kaya ayun kaltas na sa sweldo kada buwan. May nakilala kaming gambler talaga na nasa cebu at sa kanya kami nagpapalaro. Yun talaga yung hanapbuhay at ikinabubuhay ng pamilya niya. Kaya niyang gawing 50k yung 3k sa isang gabi lang kung sweswertehin. Baccarat talaga yung forte niya. Sabi niya gusto lang talaga niyang mag sugal dahil sa thrill and hindi sa pera. Eto yung payo niya saken, kung gusto mong kumita sa sugal dapat may disiplina ka. Kung mananalo ka ng isang libo dapat uwi na agad kasi minsan lang daw talaga darating ang swerte sa sugal.
Lesson ito. Marami ng sinirang buhay ang pagsusugal at saksi ako ng ilan. Hindi naman sa hindi pwedeng gawin ngunit kailangan kontrolin. Magsugal para sa kasiyahan hindi para sa ikakahirap mo. Kung sa tingin mo ay nagkakaproblema ka dahil dito o kaya naman ay umuuwing luhaan o nagkakautang utang na. Ang pagsusugal ay hindi para sa iyo.