Grabe laki ng transaction fee sa coins.ph, mas malaki pa yung transaction fee kesa sa ita-transfer mo na bitcoin grabehan, hindi ako makabili ng ETH pati hindi rin ako makapagdeposit sa exchanges sites sa sobrang laki ng transaction fee. Sana naman magkaroon sila ng konti pang konsidera sa mga user na gustong mag transfer ng bitcoin, libre ang transaction fee kung coins.ph user din ang pagtatransferan pero sa iba na sobrang laki na ng fee, mahirap na tuloy magtrade pati makipagtransact, hindi naman nakapagtataka dahil sa laki ng value ng bitcoin pero yung tipong imposible nang makapagtransact ng 2k below ng hindi madodoble yung transaction fee ambigat na masyado.
Hindi na talaga magandang gamitin ang Bitcoin ang maliliit na transactions dahil mas magbabayad ka pa ng malaki sa fee. Pero hindi naman coins.ph ang nag seset ng price ng transaction fee, tumataas yan dahil maraming nangyayari na transactions at maraming pang pending (currently 133325 unconfirmed transactions) mababa na nga ito kumpara sa mga nakaraang araw. Ang problema lang sa coins.ph ay tatlo lang ang option mo hindi katulad ng ibang Bitcoin wallet na pwedeng ikaw mismo ang mag set ng sat/byte ng transaction fee mo.