Mga kabayan patulong lang sana kung may pagasa pa bang maritrieve yong mga token at coins na nahack sa MEW ko. Hindi ko alam paano na hack, sigurado naman akong hindi phising site yong nabubuksan ko kasi yong EAL plugin ang gamit ko pag nagbubukas ako ng MEW site. Malabo ring sa virus kasi sigurado akong secured ang desktop ko up to date yong antivir ko at weekly rin ako nag fufullscan. Json File naman gamit ko pagnagla log-in ako tapos sa external hard drive ko pa yon naka save at sa mga flash drive lang yong back up na nakatago sa baol at wala sa desktop. Mga reward ko pa naman yon sa mga bounty campaign na sinalihan ko.
Walang hiya yong nanghack pinili lang yong mga malalaki ang value sa market, nagtira pa talaga siya ang masaklap pinagdedelete pa yong ibang manually added. Pinaghihinayangan ko yong sa Datum kasi woth 60k php sana yon

. Kung wala ng pagasa talaga, sana bumaba na lang ang halaga ng mga coins na nakuha sa akin ng lintik na yon.
Kung sigurado ka talaga na wala kang napasukan na phishing site, nadownload na file na kahinahinala, at siguradong walang ibang ibang tao ang may copy ng Json file mo. Sigurado ka ba na ikaw lang ang nakakagamit ng personal computer mo? Nakakapanlumo mawalan ng ganyang kalaking halaga ng token, pero wala ka nang ibang magagawa para ma-recover yung mga tokens mo kasi ibang address na ang may hawak nito, kahit humingi ka pa ng tulong sa support ng myetherwallet hindi ka nila matutulungan dahil ikaw lang ang responsible sa pag secure ng tokens or Ethereum mo.