Post
Topic
Board Pilipinas
Re: REPOST : Filipinos warned vs bitcoins, cryptocurrencies
by
CleoElize
on 23/12/2017, 05:46:56 UTC
There's always a risk naman every time money is involved. Prang sugal lang 'yan, hindi mo alam kung mananalo ka ba o matatalo, mawawalan o mag-gegain. Wala ring masama kung makikinig tayo sa mga payo na tulad nito patungkol sa pag-iinvest sa bitcoin lalo na kung wala talaga tayong sapat na kalaman tungkol dito. Kung gagawin natin 'yon, mas lalo lang lalaki ang posibilidad na mawala kung ano man ang halaga na inivest natin. Isa pa, marami talaga sa atin ang gusto na maging milyonaryo agad. Marahil ay iniisip nila na ang pag-iinvest sa bitcoin ay tulad nang pagtaya sa lotto na kapag nanalo, milyonaryo agad. Walang shortcut sa biglaang pagyaman, at lalong-lao nang hindi ang pag-invest sa bitcoin ang solusyon dito. Mahirap din kumita gamit ang bitcoin at talagang minsan ay inaabot ng ilang taon bago tuluyan mong masabi na kumita ka ng malaki. Kung kaya hindi rin masama ang makinig tayo sa mga payo at paalala tulad nito.