Kikita pa rin tayo mga lodi pag sinimulan nating magmina ng bitcoin sa Pinas?
Mahirap kumita sa pagmamining at para sa akin mas kikita ako sa mga bounty kesa sa pagmimina,minsan kasi wala kasiguraduhan sa mining lalo na kung marami ang nag mimina at depende na rin sa PC na gamit mo..
Talagang mahihirapan ka kung PC lang ang gamit mo. Iba ang function ng PC sa isang Mining Rig, alam naman natin yan di ba. Sabihin na natin na isang Gaming RIg ang PC mo, di pa din ito maganda sapagkat di naman ito para sa pagmimina ng digital currencies. Ang kailangan mo talaga ay bumili ng hardware na para sa pagmimina, para dito kailangan mo ng malaki laking pera.