ano pong pinagkaiba ng pos sa pow?newbie lang po kasi at di ko pa maintindihan ang pos at pow.
Ang PoW or proof of work ay isang computer algorithm, ang isang cryptocurrency na katulad ng Bitcoin ay gumagamit ng hashcash or sha256 na PoW algorithm kung saan ang mga miners ay kailangan makapag solve ng napakahirap na mathematical problems para makapag add ng blocks sa blockchain, ang mga miners ay naguunahan dito kaya kailangan meron kang mining hardwares na nagpoproduce ng malaking amount ng hashpower at nangangailangan din ito ng malaking amount ng electricity. Ang PoS or proof of stake naman ay isang algorithm na propose na alternative sa PoW dahil ang PoS ay mas maliit ang nakokonsumo na kuryente compared sa PoW, at unlike sa PoW hindi nangangailangan mag solve ng mahirap na mathematical problems sa PoW para mag add ng blocks. Maraming nagsasabi na mas maganda ang PoS dahil nga mas madali mag mine dito at hindi takaw sa kuryente pero para sa akin mas secured ang PoW. Meron din mga cryptocurrencies na hybrid na parehong gumagamit ng PoW at PoS.
Additional ko lang din para mas madaling maunawaan ang POS. Ang Proof of Stake or POS po ay kinakailangan mo po maghodl ng isa coin or token (as long as supported ang coin/token ng POS) para makapag-accumulate ka. Minsan depende yan kung ilang percent ang interest per annum. Yung iba naman dumedepende sa coinage or araw na kung saan pwede mo na makuha ang iyong reward. Mas tipid po ang POS, dahil no need ng kuryente.