Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Transaction fee sa coins.ph!
by
Kambal2000
on 23/12/2017, 17:26:28 UTC
Grabe laki ng transaction fee sa coins.ph, mas malaki pa yung transaction fee kesa sa ita-transfer mo na bitcoin grabehan, hindi ako makabili ng ETH pati hindi rin ako makapagdeposit sa exchanges sites sa sobrang laki ng transaction fee. Sana naman magkaroon sila ng konti pang konsidera sa mga user na gustong mag transfer ng bitcoin, libre ang transaction fee kung coins.ph user din ang pagtatransferan pero sa iba na sobrang laki na ng fee, mahirap na tuloy magtrade pati makipagtransact, hindi naman nakapagtataka dahil sa laki ng value ng bitcoin pero yung tipong imposible nang makapagtransact ng 2k below ng hindi madodoble yung transaction fee ambigat na masyado.
Oo nga eh, mataas talaga ang fee sa coins.ph parang sa mga exchange ang tataas ng withdrawal fee. May pagkakataon nga na umabot ang fee ng .002 ang bitcoin. Kailan pa kaya ito bababa, sa tingin ko habang tumataas ang presyo ng bitcoin tataas rin yung fee. Eh pano kung kaunti lang yung ililipat mo. Kaya dapat malaking halaga ang ililipat mo na pera para sulit.
Minsan mahirap din pong malaman kung talaga bang sinasadya nila na ganito ang mangyari dahil no choice tayo dahil sila yong sikat na exchange sa Pinas eh, kaya parang monopoly ang ngyayari, kaya dapat po ay meron ding mga alternatives dahil kapag meron at naglipatan tayo mapipilitan silang magbaba ng kanilang price.