Anyone experience cashout earlier via e-Givecash upon withdrawing the funds sa ATM unable to process. The transaction is cancelled? My nakaexperienced ba ba sainyo? Kinakabahan ako dalawang transaction pa naman yun. Kalaki laki din. Baka totoo na yung mga nababasa ko sa Facebook na, lahat ng transaction na involve ang bitcoin ay ihohold ng mga banko without any further prior notice.
O security bank lang talaga ang may problema? Wala nang cash yung ATM? Possible yun diba?
Ito nga rin yung nangyari sakin ngayon eh nagpasabay ako sa kapatid ko magpawithdraw sa atm 2 times thru egivecash tapos yung isang set of code ayaw na gumana transaction ended or cancelled daw. Nag send na ko ng message sa coins tungkol dito sana masolusyunan kinakabahan din ako sana makuha pa to sayang yung pera.
Ive experienced that before sir. Nag withdraw ako 10 times nang code and ang masaklap ehh ung isang code ay hindi gumagana. Syempre hassle yan kasi napakadami kong codes na iwiwithdraw tapos may hindi gumaga ehhh natagalan ako sa isang code na yun ehh timing naman nun na humaba na humaba na yung pila sa likod ko kaya medyo nakaka hiya. Nung inereklamo ko sa coins.ph ay nag respond naman sila agad pero nag hintay ako nang 2 days bago ko makuha yung replaced code ko. Tinanong ko kung bakit ganun sabi daw nila invalid tries daw. Dun ko nalaman na if 3x na beses mo nilagay yung code sa atm machine na mali ay madidisable/di mo mawiwithdraw yung code na ibinigay sayo. Kaya simula nun mas naging maingat ako sa pag wiwithdraw nang codes sa egive.