Sa panahon natin ngayon nagkalat ang mga kawatan. Hindi lang sa labas ng bahay kundi sa loob ng internet. Marami silang nalolokong tao sa pagtatayo nila ng onpal, matrix at investment sites. Kawawa ang mga walang malay sa modus nila at isa na ako sa nabiktima nila noon. Mahigit 20k na ang naipamigay ko sa mga kawatan. Ano kaya ang magandang solusyon para madakip ang mga mapaminsalang scammers sa mundo ng online. At para maging malinis ang reputasyon ng bitcoin. Kasi sa totoo lang dahil sa kanila sirang sira na si bitcoin sa pandinig ng mga walang alam sa bitcoin. Pati media sumasali narin na ipaalam sa publiko na huwag tangkilikin ang bitcoin. Ang saklap!
Dahil na din sa kapabayaan ng kapwa Pilipino at kakulangan sa kaalaman tungkol sa cryptocurrency, pinagsasamantalahan ang ilang ng mga scammer. Kung mapapasok ka sa mga group sa FB wala tayong makikita kundi mga walang kwentang investment sites at siguro talagang hindi na ito maiiwasan pero sa tingin ko ito ang isa sa paraan para hindi tayo mascam :
Huwag na Huwag magtitiwala Online, Pwede naman magtiwala ngunit maging mapanuri muna o pag aralan kung anung papasukin mo, kase kahit naman pagtanungan mo ang iba, kung kumikita ng pera kahit scam sasabihin nila totoo yan kase sumesweldo sila. Magkaiba yung totoong kumikita sa sumesweldo lang saka sa panahon ngayon wala na talaga halos easy money. Ang mahalaga dito ay maging knowledgeable sa bagay na pinapasok mo kase dito talaga nagsisimula ang lahat, at dito na rin naloloko ang nakararami.
May qoutes nga na.
A little knowledge is a very dangerous thing.