Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Paano madadakip ang mga bitcoin scammers sa online?
by
hidden jutsu
on 31/12/2017, 04:44:25 UTC
Sa panahon natin ngayon nagkalat ang mga kawatan. Hindi lang sa labas ng bahay kundi sa loob ng internet. Marami silang nalolokong tao sa pagtatayo nila ng onpal, matrix at investment sites. Kawawa ang mga walang malay sa modus nila at isa na ako sa nabiktima nila noon. Mahigit 20k na ang naipamigay ko sa mga kawatan. Ano kaya ang magandang solusyon para madakip ang mga mapaminsalang scammers sa mundo ng online. At para maging malinis ang reputasyon ng bitcoin. Kasi sa totoo lang dahil sa kanila sirang sira na si bitcoin sa pandinig ng mga walang alam sa bitcoin. Pati media sumasali narin na ipaalam sa publiko na huwag tangkilikin ang bitcoin. Ang saklap!
sa totoo lang mahirap mahuli ang mga ganyang kawatan tulad ng mga scammer na yan. Mauutak ang mga iyan. Hanggang may nauuto yan at alam nila na may naloloko sila hindi yan titigil at sa oras na malaking pera na ang nakuha nila ay bigla na lang din silang mawawala sa ere. Tulad na lang sa mga FB, hindi ba at maraming nagiinvite diyan para sa mga investment site na kung titingnan mo ay parang totoo. Kaya nga kailangan magingat, maging mapanuri at huwag basta basta magbibitiw ng pera sa bagay na hindi sigurado. Sa mga online scammers na yan an wala kang kasiguruhan kung paano mo iyan mapapadakip sa kadahilanang ang iba sa mga iyan ay hindi gumagamit ng kanilang tunay na pagkakakilanlan.
sobrang hirap talaga madakip mga yan, kaya hanggat maaari wag basta basta magpapa loko. lalo na sa internet ang daming paraan para makapang scam yang mga scammer na yan.