Sa panahon natin ngayon nagkalat ang mga kawatan. Hindi lang sa labas ng bahay kundi sa loob ng internet. Marami silang nalolokong tao sa pagtatayo nila ng onpal, matrix at investment sites. Kawawa ang mga walang malay sa modus nila at isa na ako sa nabiktima nila noon. Mahigit 20k na ang naipamigay ko sa mga kawatan. Ano kaya ang magandang solusyon para madakip ang mga mapaminsalang scammers sa mundo ng online. At para maging malinis ang reputasyon ng bitcoin. Kasi sa totoo lang dahil sa kanila sirang sira na si bitcoin sa pandinig ng mga walang alam sa bitcoin. Pati media sumasali narin na ipaalam sa publiko na huwag tangkilikin ang bitcoin. Ang saklap!
Napakahirap mahuli ng mga masasamang tao na yan na may masamang loob lalo na kung anonymous sila at walang napapakitang impormasyon tungkol sa kanila. Tingin ko kasi ay may alam or pinagaralan yung mga hacker at scammer na yan kaya madali nila macounter ung mga gagawing imbestigasyon. Hopefully ay magawan na agad ng solusyon yan dahil perwisyo at sakit sa ulo ung mga ganyan kasi pinaghirapan mo tapos bigla mawawala
Oo talagang mahirap madakip o mahuli ang mga scammers dito sa bansa natin kasi halos lahat naman tayo fito ay hindi ginagamit ang talagang mga identity natin. Kaya yung mga scammers eh talagang nagtatago lang din sa mga ibang pangalan at nakakasalamuha rin natin sila. Talagang gagawin lahat makapanlamang lang sa kapwa.