Medyo madami po tong tanong ko, salamat sa sasagot
*Saan po ba may pinaka murang charge pag mag ka cash-in sa coins.ph
*magkano po bayad pag mag transfer ng pera/ coins sa ibang wallet e.g coins.ph to blockchain.
*may bayad ba talaga pag nag convert ng php to btc? Medyo malaki kasi nabawas nung ng convert ako sa coins.ph, iniisip ko baka dahil lang sa dami ng transaction nitong last few weeks, o malaki talaga fee?
[1]Nung nagcash-in ako, sa cebuana. Ang fee nila ay 40pesos. Sa 7Eleven naman, mas mura yata kasi di ko pa natry magcas in jan kasi ang 7Eleven dito sa amin hindi pa tumatanggap sa cash in sa coins.ph kasi may system problem daw.
[2]Pag transfer naman sa bitcoin to blockchain wallets, nagtransfer ako ng bitcoin woth of 5k pesos. Ang fee na nabayaran ko is 297 pesos pero ang bitcoin price pa nun is $11k pa. Next na nagbalak pa ulit ako magtransfer ng bitcoin, pero ang price ng bitcoin ay $19k na nung time na yun, Ang fee sana na babayaran ko nun is almost 2k pesos kaya di ko na tinuloy. Depende na yata sa price ng bitcoin ang fee nila.
[3]Syempre meron po talaga kasi negosyo po yan eh. Kung mapapansin niyo po sa buy rate at sell rate, malaki po talaga ang gap nito at halos 12k po kung titingnan nyo. Ang fees na nabayaran niyo sa pagconvert ng bitcoin ay mapupunta po ito sa mga miners nito. Nagbabayad din po kasi ang coins.ph sa mga miners ng bitcoin, kaya malaki ang convertion nila kasi papatong din po sila. Yun lang sa pagkakaalam ko.