Sa panahon natin ngayon nagkalat ang mga kawatan. Hindi lang sa labas ng bahay kundi sa loob ng internet. Marami silang nalolokong tao sa pagtatayo nila ng onpal, matrix at investment sites. Kawawa ang mga walang malay sa modus nila at isa na ako sa nabiktima nila noon. Mahigit 20k na ang naipamigay ko sa mga kawatan. Ano kaya ang magandang solusyon para madakip ang mga mapaminsalang scammers sa mundo ng online. At para maging malinis ang reputasyon ng bitcoin. Kasi sa totoo lang dahil sa kanila sirang sira na si bitcoin sa pandinig ng mga walang alam sa bitcoin. Pati media sumasali narin na ipaalam sa publiko na huwag tangkilikin ang bitcoin. Ang saklap!
Talamak talaga ang mga bitcoins scammers lalo na through online kasi madami din kasing mga tao ang mabilis maniwala at mag tiwala sa mga ganun. Dapat din kasi chinicheck nila kung legit ba talaga ang bitcoin investment na pinapasok nila. Mahirap kasi masabi kung legit ba o hindi kasi kahit dito sa forum na to may mga scam din so wala talaga tayong ligtas. Kung gusto talaga nating mag invest in bitcoins mas mabuti napang na bumili tayo ng bitcoins tapos hold lang natin para legit talaga ganun din naman kasi yun.