Sa panahon natin ngayon nagkalat ang mga kawatan. Hindi lang sa labas ng bahay kundi sa loob ng internet. Marami silang nalolokong tao sa pagtatayo nila ng onpal, matrix at investment sites. Kawawa ang mga walang malay sa modus nila at isa na ako sa nabiktima nila noon. Mahigit 20k na ang naipamigay ko sa mga kawatan. Ano kaya ang magandang solusyon para madakip ang mga mapaminsalang scammers sa mundo ng online. At para maging malinis ang reputasyon ng bitcoin. Kasi sa totoo lang dahil sa kanila sirang sira na si bitcoin sa pandinig ng mga walang alam sa bitcoin. Pati media sumasali narin na ipaalam sa publiko na huwag tangkilikin ang bitcoin. Ang saklap!
Ang tangi nalang talaga natin gawin para d mabiktima ay ang pag ingat sa pag bigay ng impormasyon sa di kilalang tao kasi sa ngayon hindi pa gaano kaayo tibay o kahigpit ang batas tunkol sa mga online scammer meron naman iba pero mga nasasakop sa batas ang pinag laban pero kung sakali tunkol sa pera galing bitcoin ay mukhang malabo pa yan sa ngayon kasi wala pa sa batas natin na nag regulate tungkol sa bitcoin kaya hindi rin yan ma ipag laban sa batas natin.