Sa panahon natin ngayon nagkalat ang mga kawatan. Hindi lang sa labas ng bahay kundi sa loob ng internet. Marami silang nalolokong tao sa pagtatayo nila ng onpal, matrix at investment sites. Kawawa ang mga walang malay sa modus nila at isa na ako sa nabiktima nila noon. Mahigit 20k na ang naipamigay ko sa mga kawatan. Ano kaya ang magandang solusyon para madakip ang mga mapaminsalang scammers sa mundo ng online. At para maging malinis ang reputasyon ng bitcoin. Kasi sa totoo lang dahil sa kanila sirang sira na si bitcoin sa pandinig ng mga walang alam sa bitcoin. Pati media sumasali narin na ipaalam sa publiko na huwag tangkilikin ang bitcoin. Ang saklap!
mahirap sabihin kung paano nga ba dahil unang una ay may plano din sila kung paano hindi madadakip ng mabilis or itatago nila ang kanilang personal identities. Depende naman sayo kasi kung magtitiwala ka sa tao o kaya kung sure ka ba talaga sa tao para hindi ka mascam. dapat think before you click or kung may trusted person naman na kakilala mo na may experience na don dapat itry mo dahil sobrang risky talaga sa investment. halos 70% ang mga scammer kaya mahirap na ring humanap ng matinong pagiinvestan.