Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Paano madadakip ang mga bitcoin scammers sa online?
by
crisanto01
on 04/01/2018, 20:04:13 UTC
Sa panahon natin ngayon nagkalat ang mga kawatan. Hindi lang sa labas ng bahay kundi sa loob ng internet. Marami silang nalolokong tao sa pagtatayo nila ng onpal, matrix at investment sites. Kawawa ang mga walang malay sa modus nila at isa na ako sa nabiktima nila noon. Mahigit 20k na ang naipamigay ko sa mga kawatan. Ano kaya ang magandang solusyon para madakip ang mga mapaminsalang scammers sa mundo ng online. At para maging malinis ang reputasyon ng bitcoin. Kasi sa totoo lang dahil sa kanila sirang sira na si bitcoin sa pandinig ng mga walang alam sa bitcoin. Pati media sumasali narin na ipaalam sa publiko na huwag tangkilikin ang bitcoin. Ang saklap!

Marami ang matatalinong scammer. Especially yung gumagawa ng website na ang bungad is too good to be true. Technicality and security alam nila ang gagawin at lusot. Kaya nga ang pinakamabisang paraan nalang is mag ingat. Kaya nga sila nang i-scam, kasi alam nila na iilang percentage lang ang possibility na matrace sila. Di sila nag iiwan ng bakas, habol nila is maitakbo ang pera/tokens. Research research nalang at ibayong pag iingat para di mabiktima ng mga modus.

Yan talaga ang napakalaking tanong kung paano nga ba madadakip ang mga scammers online,wala tayong kaalam alam sa kanilang mga identity,matatalino pa ang mga yan pinag aaralan nilang mabuti ang kanilang mga hakbang para hindi sila matrace,kaya kahit anong pag iingat natin siguro lalo na kung mahina kang kumilatis nang isang kausap diyan tayo nadadale.