Sa panahon natin ngayon nagkalat ang mga kawatan. Hindi lang sa labas ng bahay kundi sa loob ng internet. Marami silang nalolokong tao sa pagtatayo nila ng onpal, matrix at investment sites. Kawawa ang mga walang malay sa modus nila at isa na ako sa nabiktima nila noon. Mahigit 20k na ang naipamigay ko sa mga kawatan. Ano kaya ang magandang solusyon para madakip ang mga mapaminsalang scammers sa mundo ng online. At para maging malinis ang reputasyon ng bitcoin. Kasi sa totoo lang dahil sa kanila sirang sira na si bitcoin sa pandinig ng mga walang alam sa bitcoin. Pati media sumasali narin na ipaalam sa publiko na huwag tangkilikin ang bitcoin. Ang saklap!
Tulad nga ng sabi mo na sa panahong ngayon at marami ng manloloko o scammer, ang kailangan lang naman nating gawin is magingat at wag basta bastang magtitiwala sa hindi naman kilala. tska kunin lahat ng impormasyon tungkol sakanya tulad ng ID , Location niya at kunin ang mga Buong detalye tungkol sakanya. Hindi basta basta madadakip ang mga scammer kaya ang dapat nalang nating gawin is magingat palage.