Sa panahon natin ngayon nagkalat ang mga kawatan. Hindi lang sa labas ng bahay kundi sa loob ng internet. Marami silang nalolokong tao sa pagtatayo nila ng onpal, matrix at investment sites. Kawawa ang mga walang malay sa modus nila at isa na ako sa nabiktima nila noon. Mahigit 20k na ang naipamigay ko sa mga kawatan. Ano kaya ang magandang solusyon para madakip ang mga mapaminsalang scammers sa mundo ng online. At para maging malinis ang reputasyon ng bitcoin. Kasi sa totoo lang dahil sa kanila sirang sira na si bitcoin sa pandinig ng mga walang alam sa bitcoin. Pati media sumasali narin na ipaalam sa publiko na huwag tangkilikin ang bitcoin. Ang saklap!
wala malabong mahuli ang mga online scammers sa panahon ngayon at sa tingin ko ito ang isa sa pinaka mahirap mahuli sa lahat ng criminal sa bansa natin nahirap din itong maagapan, ang tangin magagawa mo na lamang ay mag-ingat sa mga hindi kilalang tao na nakikipagtransaction, mas mabuting gumamit ka ng escrow para masigurado na wala kang talo.