Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Repost: Philippines is considering regulating Bitcoin!
by
congresowoman
on 11/01/2018, 08:08:29 UTC
Maganda nga kung ganun. Kung ireregulate na ang bitcoin dito sa pilipinas, panigurado yung mga online shop pwede na din nila ipatupad ang bitcoin as payment. Mas maganda din na may ibang company ang mag gawa ng btc wallet na pwedeng mag cashout at cash in nationwide.
May mga agam agam ako sa balitang ito na pagreregulate ng bitcoin dito sa Pilipinas. Tiyak naman na may mga Pros at Cons ang magihing hakbang na ito ng gobyerno.
Pros
1. Posible ang pageeliminate na ng mga scammers at mga nananamantala gamit ang pangalan ng bitcoin , may mga nakikita kasi ako na finofront nila ang bitcoin pero kailangan mo magrefer or maginvite.. hindi naman pyramiding ang bitcoin.
2. Mapoproteksyunan ang mga tumatangkilik dito dahil sasalain nang maigi ng gobyerno ang mga potential crypto players.

Cons
1. Tax - malaki ang kinikita ng mga bounty hunters minsan may multiple accounts pa kahit bawal pero ang tax na iiimplement nila ay malamang bracketed o may range. Kung magkaganoon, baka umabot ng halos kalahati ang kaltas sa kita natin.
2. Di na tayo makagagawa ng sarili nating diskarte sa paglalagay at pagiinvest dahil dadaan na lahat sa isang centralized institution.
3. Pagtaas ng transaction fees.
4. Samut saring requirements at pilahan para lang maging trader ka of course may bayad ito.