Bago dumating yang time na yan, malamang di na uso ang bitcoin, matanda at luma na ang technology ni bitcoin madaming mga magagandang coins na naglabasan na gustong pumalit sa kanya. kung maiisip lang lahat ng tao na panget na ang bitcoin at kung makahanap na sila ng magandang alternative dito tiyak mawawalan na ng halaga ang bitcoin at kawawa ang mga taong naghold nito.
Di nga uso bitcoin pero pwedeng upgraded bitcoin o di kaya cashless society na tayo nun. Tutal patay na tayo nun panigurado merong maiimbentong mga bagong bagay pero hanggang ngayon fresh na fresh parin ang bitcoin at maraming nagtitiwala dito. Kung mamina man ang buong 21 million supply ng bitcoin pwede rin naman na panatilihin yan sa market kasi yan ang first mover at madaming gumagamit na niyan ngayon.