Post
Topic
Board Pilipinas
Re: [Speculation]Is Facebook joining the blockchain tech and launching its own coin?
by
Blake_Last
on 20/01/2018, 14:28:54 UTC
Dalawang oras ang nakalipas simula ng magpost si Mark Zuckerberg sa mga reflection nya sa nakaraang taon. Nakwento nya rin ang new trends ng gusto niyang ediscover - encryption and cryptocurrency. Nagpapahiwatig kaya si Mark na gagawa sya ng sarili nyang coins?  Grin Grin Grin

Basahin ang boung mensahe nya dito: https://facebook.com/story.php?story_fbid=10104380170714571&id=4

Kung hindi po ako nagkakamali ang parang balak po niya sa Facebook ay gawan ito ng parang payment platform na kahalintulad po sa WeChat at Alipay. Parang top up kumbaga pero gagamitan ng technology na gamit din sa cryptocurrency, tulad ng Blockchain. Pagnagawa iyan ang parang kalalabasan niya is fintech. Mayroon ng option for mobile banking, bill payment, and investing services, kahit ang gamit mo lang ay ang iyong smartphone. Ganyan po kasi yung sa Alipay at WeChat. Sa Alipay nakatie-up sila sa Yu'e Bao, na pinakamalaki na ngayon na payment affiliate ng Alibaba. Lahat ng nag-iinvest diyan, kumikita mula doon sa mga nagamit ng services nila.

Ngayon kung magkakataon na mangyayari nga yan sa Facebook, tiyak na maganda mag-invest diyan lalo na't kilala na sila. At sigurado na yung pondo mo na ipapasok sa gagawin nilang platform ay magiging malaki ang balik sa iyo pagnagkataon. Maliban pa diyan, pwede mo na din magamit yung platform na idedevelop nila para magbayad sa merchant sa Facebook. Kumbaga parang magkakaroon na din ng point/reward system o di kaya baka imbes na reward direct ng cryptocurrency yung magiging payment mo doon sa ka-transact mo.