hi. good day! ano pa po ba yung maganda and legit na wallets as of now coins.ph yung ginagamit ko. thank you!
Maraming magandang wallet pero lahat yan dedepende nalang sa kung ano ang preference mo. Mayroon mga tinatawag na client. O ito yung mga original option na ginagagmit na storage. Ang pinakauna nito ay yung Bitcoin Core (Bitcoin-Qt). Ito yung dinevelop ni Wladimir J. van der Laan, base sa code na ginagawa mismo ni Satoshi. May mga advantage yan kapag gagamitin mo. Una. Ikaw na mismo yung nagpapatakbo ng node. Ikalawa. Hindi ka nakasandal sa mga third-party tulad ng ibang wallet. Hawak mo ang private key, at pwede mo siyang i-store gamit ang iyong personal hard drive. At ikatlo. Sa lahat ng storage na pwede mong gamitin, ito ang sinasabi na pinaka-secure. Ngayon kung may mga advantages mayroon din siyempre na mga disadvantages. Una. Kung mabagal ang internet mo at wala ka masyadong disk space sa hard drive mo, hindi siya magiging applicable na gamitin. Sa latest nalang nitong version, halimbawa, ay kakain na siya ng halos 145 GB disk space. Imagine kung ilang oras mo iyon idadownload sa strength ng internet connection natin dito sa Pinas. Baka abutin ka ng ilang araw bago mo siya matapos. Ikalawa. Ang Bitcoin Core kasi ay nagamit ng encryption kaya kung nakalimutan mo ang passphrase ng wallet mo, hindi muna siya magagawang iretrieve, puwera lang kung marunong ka magbrute force para makuha mo yung passphrase mo. Ikatlo. Dahil client nga siya at nakainstall sa gamit mong computer, hindi mo magagawang maaccess ang coins mo sa ibang computer kung sakaling kailanganin mo.
Ngayon maliban sa client, mayroon din tinatawag na modified client. Mas kilala ito sa tawag na desktop wallet. Katulad din siya halos noong Bitcoin Core, subalit ang kaibahan lang, mas light siya. Hindi masyado kumakain ng space sa hard drive kumbaga. Ang ilang halimbawa po niyan ay yung Multibit, Electrum, Armory, Exodus, Jaxx, mSIGNA, Copay, at Green Address.
Ang ikatlong wallet o storage na pwede mong gamitin, maliban sa mga naibigay ko na, ay yung tinatawag online o web wallet. Kapag sinabing online, hindi yan kailangan i-install at hindi siya standalone program tulad ng client at modified client. Sa online wallet, kahit anong computer pwede mo siyang maaccess basta mayroon kang internet. Isa pa sa kinagandahan nito ay dahil hindi nga siya nakalagay sa hard drive, kung sakaling masira ang computer mo ay maari mo pa din siyang maaccess. Pero siyempre, may downside din yan. Una. Nakasandal ang ganitong klase ng mga wallet sa mga third-party kaya malaki ang risk na pwedeng mahack at mawala ang ii-store na coins sa kanila. Kung pamilyar ka sa phishing sa cryptocurrency, kalimitan target niyan ay mga online wallets kasi madali silang manakaw. Kung nagkamali ka ng na-type nalang, halimbawa, na domain at phishing yung site na nailagay mo. Kapag nag-login ka sa site na yan, pwede ng makuha o malaman noong hacker yung password at email mo at nakawin ang laman ng wallet mo. Iyan ang isa sa drawback kapag gagamit ka ng online wallet. Ngayon para sa online wallet, ang ilan sa mga pwede mong gamitin na ganyan para i-store ang bitcoins mo ay yung Coinbase (exchange), Blockchain.info, BitGo, Coin.Space, Coinapult, BTC.com, at Counterwallet. Pwede din yung mga wallet sa mga exchanges. Maikukunsidera din ang mga iyon na online or web wallet.
Kung sakali naman na wala ka palaging access sa computer mo, pwede ka naman magdownload ng mobile wallet at ito ang gamitin mo. Pero katulad sa online wallet, konting ingat din sa paggamit nito dahil vulnerable din siya na mahack. Ang ilan sa magandang mobile wallet na gamitin ay yung Coinomi, Mycelium, Copay, Electrum, Jaxx, Breadwallet, Airbitz, Samourai Wallet, BitPay, at Bither.
Ang ikaapat na wallet na pwede mong gamitin na alternative sa Coins.ph ay yung tinatawag na paper wallet. Gawa ka lang ng public address at private key mo at lagyan mo lang ng bitcoins yung public address mo at tsaka mo i-print. Pwede mo yan lagyan din ng QR code at once na maprint muna, itago mo sa lugar kung saan safe siya. Ngayon kung tatanungin mo kung paano gumawa niyan ay punta ka lang sa website tulad ng BitAddress at sundan mo lang yung step na tinuro dito sa CoinDesk.
Ngayon ang panghuli at ikalimang pwede mong gamitin na storage para sa coins mo ay yung tinatawag naman na hardware wallet. Sa ngayon mayroon lima na sikat na hardware wallet at ito ay ang mga sumusunod: Trezor, KeepKey, Ledger Nano S, OpenDime, at Digital Bitbox. Kung pipili ka sa lima na yan, piliin mo kung ano yung preference mo sa isang hard wallet. Gusto mo ba na maganda ang design niya, malaki ang screen, mababa ang presyo, then KeepKey ang pipiliin mo. Kung gusto mo naman na maganda din yung design, maraming coins na sinusuportahan, madaling gamitin, mababa ang presyo, at maganda ang reputation ay Ledger Nano S ang bibilin mo. Doon sa iba, pwede mong i-search nalang yun para makita mo talaga at mapaghambing yung features nila.
So I think, ito na lahat yun. Kung hahanap ka ng alternative sa Coins.ph, ikunsidera mo yung mga binigay ko para madami kang option na pagpipilian.
Sana nakatulong sa'yo ito.