Hello mga ka boss ok lang ba na bihira lang makapag post kasi nga bz sa work abroad eh..new bies din kasi maraming salamat sa tulong nyu lahat nga ka boss
Yes, hindi naman po required na magpost tayo araw-araw, depende nalang po iyon kung kasali ka po sa signature campaign at may kailangan kang punan na bilang ng post kada linggo. Pero gaya nga po ng sabi ni sir Dabs, kahit isang post lang isang araw ay pwede na kasi eventually magrarank up ka din naman po kahit ganyan lang ang gagawin mo. Ang importante lang talaga ay habang nandito ka ay sulitin mo yung oras na matuto ka dahil yan ang main purpose po ng forum na 'to. Yung kumita, secondary nalang po yun.Good morning po... Newbie here... Ilang post po required para sa mga newbie per day? Thank you...
Kahit isa lang po kada araw ay pwede na.
Anong pong bitcoin wallet ang ginagamit sa canada?
Kung tiga-Canada ka po, maganda kung ang gagamitin mo po ay yung wallet na nakadirect na sa exchange nila tulad po noong QuadrigaCX at Coinsquare. Para po yang counterpart o alternative sa Coinbase ng US, na mayroon ng built-in wallet. Ngayon maliban po sa dalawang yan, pwede mo din pong subukan yung Cancoin. Kakabukas lang nila sa Canada at sa ngayon 0% pa ang fee nila.
Kung sakali naman po na ang hanap mo ay mabibilan ng hard wallet diyan, pwede mong puntahan yung website ng bitcoinWARE at sa kanila ka po umorder ng hardwallet. Matagal na din po silang seller at maganda ang reputation kaya makakasigurado ka po na hindi ka nila lolokohin kung sakaling sa kanila ka bibili. Check mo po sila dito. Salamat! Ang dami pala

. Tanong lang, advantage po bang gumawa ng multiple wallets para diversify yung coins ko at mas maging safe?
Depende sa preference mo po. Pwede kang gumawa ng multiple wallets for different coins at pwede din naman na iisa lang pero may support sa iba't ibang coins. Pero kung ako ang tatanungin mas gusto ko yung una kasi mas secured pagganun, especially kung hindi naman hard wallet ang balak mo po na gamitin para i-store lahat yung coins mo.