Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Coins.ph Official Thread
by
arielbit
on 23/01/2018, 23:30:46 UTC
Mga 4M or more na rin ang nailabas ko, inaraw araw ko...na lost track ako eh...dahil dyan sa 400k limit na yan hehe

Tinanong ako ng manager, sabi ko 2013 pa ang history nyan, naging altcoin to btc to altcoin to btc to peso....ang napansin kong inaalam nila talaga ay kung ilan ang ininject mong pera..

Nag mina, at bumili yun ang pinaka source..lumaki na lang..yun nga kailangan ko pa rin pumunta sa branch nila kasi iuupdate yung customer information at syempre may tanong tanong pa siguro. Ang pinaka update ay pagbalik ko from indonesia, bukas ang flight ko papunta doon...mga first week of feb may update na ako, naka uwi na ako nyan.

Namention din sa akin na meron daw kasing mga networking nyan at mga scammer at meron din naman mga legitimate..


Meron. Kung napanood mo yung video ni Xian Gaza exposing yung mga ganung scam, actually marami talaga. Isa sa mga rising ngayon yung NewG Investment. Nag originate yan sa pilipinas. Pinapatakbo ng mga pinoy at ako meron akong personal na kilalang nagalok sakin na sumali. Kasi nga naman sino bang di madedeceive sa 90k mo tutubo ng malaki in 16 days. Ngayon yung mga coinsph account nila ang na lolock dahil sa investment scam nila. Marami pa dyan karaniwan idinadamay ang forex pang akit. Isa na din yung pluggle na nag ooperate ng ponzi scheme. Napakalaking suntok para sa mga totoong lehitimong nagtratrade at nagririsk.

Hindi ako nanonood ng tv eh...meron din akong narinig na mga investment scam..the moment na malaman ko na tao ang hinihingan nila ng pera chinichange topic ko na, hindi ko na inaalam kung ano ang ginagawa nila, pangalan ng company etc.

Sabi ko nga sa mga nakausap ko tungkol sa mga "invest in bitcoin" na company o tao...simple lang bumili ka ng bitcoin sa coins.ph o sa localbitcoins, at kung gusto mong maginvest sa mga altcoins isend mo yung bitcoins mo sa mga altcoin exchanges, withdraw mo sa wallet mo.tapos.ganun ba kahirap yun?...