curious lang po ko meron po bang app na pang mine ng btc sa cellphone (android) gusto ko po kasing mag try mag mine ehh kaso lang wala akong magandang pc
Mayroon mga app na pwedeng mong gamitin para magmine sa smartphone kaya lang hindi rin siya ganun talaga recommended dahil sa kumakain sila ng memory at maliban pa diyan mabilis makaubos ng battery. Siguro kung gagamitin mo yung app, aabutin lang ng 30 mins to 1 hr at drained na agad yung battery ng cellphone o tablet mo. Ang isang halimbawa ng app na tinutukoy ko ay yung MinerGate. Isa yan sa mga unang mining pool at GUI miner na nadevelop na may capability na magmine sa smartphones at minahin ang mga cryptonote-based currencies tulad ng XMR, BCN, AEON, QCN, FCN, XDN, at INF8.
Ngayon mabigay ako ng halimbawa sa ibaba ng computation kung bakit ko nasabi na hindi recommended na magmine gamit ang mobile o tablet.
Example:
Kung mayroon ka halimbawa na Samsung Galaxy S7 at gusto mo gamitin ang MinerGate para dito, ang gagawin mo lang ay kunin mo yung kanyang hashrate. Kalimitan kapag ang OS ng tablet ay android 6.0 at processor ay quad-core, ang hashrate niyan ay nasa 14-16. Ngayong kompyutin mo siya base sa formula na ibinigay ng MinerGate.
Reward = ((hashrate * block_reward) / current_difficulty) * (1 - pool_fee) * 3600
Ito ang kanyang kalalabasan:
Kung titignan mo ang chart sa itaas halos ipinapakita dito na hindi maganda ang rate na makukuha kapag nagmine ka gamit ang Samsung Galaxy S7. Sa XMR nalang, sa loob ng 24 hrs ay 0.00009 BTC lang ang maiipon mo. Halos kulang pa yan para makabili ka ng bagong battery kung sakaling bumigay ang battery ng tablet mo. Sa loob ng isang buwan, aabot lang sa 0.00036 BTC o 204.36 PHP ang kikitain mo. Sayang lang sa oras, kuryente at pera kung magkataon. Pero kung sakaling talagang desidido ka na at gusto mo talaga subukan, pwede mong subukan yang MinerGate sa itaas at itong mga sumusunod na app sa ibaba sa tablet o cellphone mo.
1. Electroneum - Android
2. MobileMiner - iOS
Tandaan lang na nasa iyong personal discretion ang lahat ng yan, kung susubukan mo o hindi. Pero kung ako lang, maganda kung hindi na. Pati tandaan mo din na wag ka basta download lang ng download ng mga mobile miners kuno kasi may kumakalat ngayon na malware na kung tawagin ay Loapi. Kapag yung fake miner na nadownload mo ay mayroon niyan, pwedeng sirain niyan ang cellphone o tablet mo at mas malaking gastos pa yun sa'yo kung nagkataon.