First, learn learn and learn about trading. Kung cryptocurrency ang nais mong gamitin pang trade mainam kung mapapagaralan mo kung bakit tumataas at bumababa ang halaga ng crypto. Then aralin mo mga techniques kung papaano kikita sa trading. Yung timing ng pagbili at pagsell ay dapat mong matutuhan. Tapos pag aralan mo ang coins na bibilhin mo kung may potential na tumaas. Piliin mong mabuti ang mga coins na nais mong itrade wag kang bili ng bili baka malugi ka lang. Habang nag aaral ka sa crypto trading mag signup ka sa coins.ph at magsignup ka sa trading site like bittrex, poloniex or binance. Yan ang mga patok na trading site sa ngayon. Mas preferred ko parin ang bittrex kasi matagal na ito at napakasmooth magtransact dito compared sa ibang trading site na bago lang. Ang poloniex naman ay mababa ang transaction fee. Pag sa binance ka naman napakaliit ng transaction fee dito at may bonus pang btc kapag nagtrade ang nirefer mo sa binance.