Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Advantage at Disadvantage ng Merit Sysem
by
Casalania
on 30/01/2018, 13:42:18 UTC
  Mga kababayan, lodi, boss, sir, mam, kyah, mga petmalu dito sa forum. Ginawa ko itong thread hindi para sa sarili kundi para sating lahat na nandito nawa'y mabuksan sana natin ang ating isipan sa pagbabago na nangyayari sating lipunan. Isang pamilya na tayo dito at patuloy na nagtutulungan. Sana wag tayo mawalan ng pag-asa sapagkat lahat naman yan ay may kaakibat na solusyon. Gumawa ako ng balangkas tungkol sa kagandahan (advatage) at hindi kagandahan (disadvatage) na maidudulot nito sa atin. Kung mapapansin nyo ang "ilan" sa mga naitala ko sa ibaba ay nabasa ko sa forum na ito. Kaya minabuti kong isama at para madali nating intindihin.

ADVANTAGES:

1. Ginawa ito para maiwasan sa forum yung mga shitposters, account farmers at spammers.

2. Ginawa ito para hikayatin ang bawat isa sa forum na gumawa ng quality post at comment. Para na din sa ikagaganda ng forum.

3. "Mahirap man magkaroon ng merit but I think if we've been merited by someone, hahanap hanapin natin yun. That one merit will fuel us to make quality posts every single time na magpopost tayo dito sa forum."

4. Kung baguhan ka lang dito sa forum at wala kang ibang iniisip kung hindi pag-aralan ang digital currencies at iba pang aspeto nito. Hindi ito dahilan para mawalan ka ng interest but ito yung magiging way to motivate yourself na pag-igihin ang ginagawa mo dito. Rank doesn't matter but the way you get that rank really matter!

5. Magiging proud ka sa sarili mo at maraming opportunity ang pwede mong pasuking o salihan. Kumbaga para mo na itong achievement at napatunayan mo sa sarili mo na mahusay ka sa forum na ito.


to make the advantages short, the only advantage of merit is to get enough merit to jump to another rank, and you will know that there are some users that appreciated your post in this forum.
DISADVANTAGES:

1. For newbie/brand new member. Mahihirapan sila magpataas ng rank lalo na't bago pa lang sila sa forum at wala pa gaanong karanasan sa pag compose ng quality threads na magiging solusyon sa pagkakaroon ng merit points.

2. Mahihirapan din ang mga newbie sa pagsali sa mga airdrop at bounty kung saan mayroong required rank para dito.

3. Isa ito sa magiging dahilan ng tao para mawalan ng interest sa digital currencies. Pakiramdam ng mga newbie nawalan sila ng karapatan magpa-rank lalo na sa sitwasyon ngayon.

4. Lahat tayo alam natin na sa digital currencies may mga "farmer" kung tawagin. Sila yung ginagamit ang forum para kumita ng kumita. Kaya sa palagay ko sila itong mas apektado ngayon dahil hihina ang negosyo nila, hindi ko naman sinabing mawawala.

its not like the new users are in difficult situation since they are just a newbie, if you are really eager to achieve your goals in this forum, earning enough merits is not a problem.