Mga boss magkano ba kailangan para makapag umpisa? Meron akong 25k sa ATM ko, kasya na ba ito para lumago? Ano po ang dapat na gawin at saan dapat mag-umpisa. Newbie lang po.
sa tingin ko medyo kapos ka jan. makakapagstart ka kaso sobrang bagal ng improvement kasi one card lang ata magagamit mo sa mining. Abang abang ka nalang muna ng Airdrop. May nakita kasi ako sa FB na nag bbuild ng mining rig worth 60k ang service nila, tapos naka indicate don na 12-15k php per month ang kita(hindi accurate).

Karamihan naman sa mga bitcoin users sa umpisa walang nilabas na puhunan, gaya ko wala naman akong naging puhunan dito sa pagbibitcoin kundi ang tanging puhunan ko lang ay ang sipag at determinasyon kung matutunan ang cryptocurrency at kung ano nga ba ito hanggang sa natutunan kong sumali sa mga signature campaign dun ako nag umpisang kumita,at hanggang ngayun gumaganda na ang aking income.