Ang punong hitik sa bunga ay pinupukol. Mataas ang risk ng bitcoin dahil maraming Pilipino na ang nag iinvest dito. Hindi natin yun mapipigilan dahil dito sila kumikita ng pantustos sa mga pangangailangan. Kaso lang, ang problema, alam naman natin na ang ating gobyerno ay laging tumitingin sa kung ano ang 'uso' sa mga pinoy na maaari rin nilang pagkakitaan. Tulad ng sabi ko, hindi natin masisisi ang investors. Basta maging maingat lamang. Huwag i-invest lahat. Magtira ng sapat para sa sarili, para kung sakaling gumawa ng hakbang ang gobyerno laban sa bitcoin ay hindi tayo maiiwang empty-handed.