Sa mga gumagamit ng coinsph na wallet ano masasabi nyo tungkol sa kanilang cash in at cash out limit? Sakin kasi parang ang hirap kasi level 2 palang ang limit ng wallet ko. Di rin ako naka try ng ibang wallet sa tingin nyo lipatan na ba sa ibang wallet? Ano kayang magagandang wallet na halos katulad din ng coinsph?
Sa totoo lang di naman mahirap ang magpalevel 3. Kailangan mo lang naman ay proof of billing or kapag hindi nakapangalan sa iyo ang mga bills nyo pwede kang kumuha ng certificate of residency sa barangay nyo at iyon ang ipasa mo. Maghihintay ka lang ng ilang araw at maaupgrade na ang account mo. Sa akin tama lang ang ginagawa nila kasi sumusunod lang sila sa kYC at AMLA.
Tama at kahit naman di tayo sang ayon wala rin naman tayo magagawa kundi sumunod and this is the only way now to cash out. I heard may mga lumalabas na ibang wallet like coins.ph and it's just a matter of time na lang para magamit natin ito ng maayos. Maybe this kyc and limit is all part of the regulation of BSP.