Post
Topic
Board Pilipinas
Re: COINS.PH wallet limit ano masasabi nyo dito?
by
iconicavs
on 09/02/2018, 12:00:46 UTC
Sa mga gumagamit ng coinsph na wallet ano masasabi nyo tungkol sa kanilang cash in at cash out limit? Sakin kasi parang ang hirap kasi level 2 palang ang limit ng wallet ko. Di rin ako naka try ng ibang wallet sa tingin nyo lipatan na ba sa ibang wallet? Ano kayang magagandang wallet na halos katulad din ng coinsph?

Ang pangunahing goal ng coins.ph ay mastore natin ang pera natin para mag cash out at mag cash in. Ngayon, sa pag ca-cash in or out natin, nilalagyan nila ng limita para hindi tayo at sila maging biktima ng scam.

SECURITY
Ang seguridad ng pera natin sa coins.ph ay mahigpit nilang binabantayan. May mga level tayo upang mgaing ganap na na maging legal sa pag cash out. Para sa akin, walang kaso iyon. Kung tutuusin mas nakikinabang tayo duon. Tiyak na tayo lamang ang may access sa account natin at wala ng iba.

LIMITS
Ang pag lalagay nila ng limit ay maaring dahil ang pagcacash out ng malaking halaga ng pera ay maging kataka-taka. Kung halimbawa, ikaw ay 20-25 na taon pa laman at nag cash out ng 50k agad, magiging  malaking tanong ito sa branch na pagkukuhan ng pera. Dapat lang na magkaroon ng limits para hindi rin tayo nagiging kabilang sa mga scam victims.

VERIFICATION
Ang pag titiyak na tamang tao ang nag cacash out ay mahalaga. Bukod sa may sariling identity ay kilala din tayo ng pinagkukuhanan natin. Kung may komplikasyon, maari nila tayong matawagan or malapitan. Gasnun din sa kanila. Kung may glitch ay maari natin silang makausap.

Sana naging malaking tulong itong mga ito para maintindihan ang purpose ng mahigpit na patakaran ng coin.ph. Para din ito sa atin.