nagtrabaho ako dati sa mini-international remittance company at malimit dito nagkakaproblema yun mga nagpapadala ng pera pabalik sa ating bansa. Kahit pa nga legitimate yun source ng pera like accumulated savings mo yun sa trabaho tulad ng mga nurses sa overseas (usually sila yun mga clients namin).
Minsan may mga nagpapadala ng malalaking amount na umaabot sa half million pesos. Sa ganong pagkakataon eh viniverify muna namin sa client kung may sapat na AMLA required documents siya like proof of residence at maging yun tungkol sa work niya. Kung hindi siya maka provide nun, hindi namin pinapayagan na matuloy yun transaction kasi damay din ang company namin kapag may nag question sa kanya.
Ganon din marahil ang dilemma ng coins.ph, ang pagkakaiba lang sa aming case ay malinaw naming iniinform ang client regarding dun sa AMLA at hindi basta na lang mawawala yun pera nila. May concern yun company namin sa client para hindi sila mawalan ng pera. Yun coins.ph ay baka kulang sa manpower kaya hindi nila ma-assist yun mga client nila since almost automated ang transaction sa kanila, pero at least sana may disclaimer sila para inform ang mga tagatangkilik nila.