Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Saan ka dito ???
by
ruthbabe
on 11/02/2018, 16:00:06 UTC
Madaming kawawa na mga tao dahil sa pag tuloy pa din ang pag HOLD nila kahit bumababa na ang presyo ng bitcoin.


Meron nga akong nabasa na sa ka-ho-HODL ang loses niya ay umabot ng $2M. Ang napakasakit dito, lahat ng kaniyang investment utang gamit ang credit card. Matatandaan na umabot ng $19,891 ang presyo ng 1 Bitcoin noong 17 December 2017, kaya ang daming sumakay sa Bitcoin sa pag-asang mag-papatuloy ito sa pag-taas hanggang $50,000 ayon sa mga experts. Pero kabaliktaran ang nangyari, mula ng January 2018 hanggang unang linggo ng February 2018 bumulusok ito pababa. The price of bitcoin fell below $8,000 for the third time sa loob ng 4 na araw, at ngayon habang sinusulat ko ito ang presyo ng 1 Bitcoin ay $8,466.63, https://coinmarketcap.com/.

Ang tanong, papaano makakabawi ang napakaraming namuhunan o nag-invest sa Bitcoin (karamihan utang gamit ang credit cards at walang gaanong kaalaman patungkol sa Bitcoin) ngayong hindi na sila maka-pag-invest dahil di na nila magamit ang credit card (ipinagbawal na ng mga card issuers) at baon pa sila sa utang. Like this one, "A 20 Year old Korean college student who suffered from depression committed suicide after losing a lot of money due to his failure to invest in cryptocurrencies". https://bitcointalk.org/index.php?topic=2885338.0