Ayon sa isang Blog ang CHINA ang kauna-unahang bansa na sumubok sa Cryptocurrency upang gamitin sa buong bansa nila, sa ngayon ang Bangko Sentral ng China ay lumikha na ng kanilang sariliing cryptocurrency.
Hindi maitatanggi na ang ating panahon ngayon ay namulat na sa blockchain technology na nasa likod ng BITCOIN na siyang pangunahing digital coin sa ngayon. At maraming mga advantage ang technolohiyang ito kung kaya nga halos unti-unting parang kabote na nagsusulputan ang ibat-ibang cryptocoins.
Sa dinami-daming matatalino dito sa atin, hindi mahirap para sa atin na makabuong isang team para magpasimula ng ganiton uri ng proyekto. Kung ang ETHERIUM ay ginawa na mas higit ang kapangyarihan sa BITCOIN, at ang CHINA ay naglabas ng NEO na mas higit ang abilidad sa ETHERIUM, sana may makapag simula din ng higit dito na mula naman sa ating minamahal na bansa. Hindi lang dahil uso, kundi talagang maraming magagawang mabuti ang ganitong teknolohiya. Isipin na lamang isang cryptocurrency na gawang pinoy... na mas higit pa ang kakayahan sa BITCOIN, ETHERIUM, at NEO.
Pwede na kayong mag suggest kung anong itatawag dito....
malamang magkaroon na rin yong matatagal na dito baka naisip na rin nila yan patuloy pa sigurong pinag aarala para sa mas lalong ikahihigit sa mga nasabing naunang mga coins,hindi rin to madali lalo na't hindi tayo suportado ng gobyerno pag dating sa crypto,unahin muna siguro yon para ma approved ang coins ni juan sa pinas.
Oo naman sa tagal na ng panahon na magsasagawa sila ng Cryptocurrency, meron at meron yan. kung hindo man government mag create ng token malamang private sector gagawa nyan at ibebenta na lang sa lokal na pamahalaan. Sa ngayon suportahan natin ang mga token na ginagawa ng ating pribadong sector para ibenta ang kanilang produkto sa masa hindi lang dito sa Pinas kundi sa buong mundo.