Ayon sa isang Blog ang CHINA ang kauna-unahang bansa na sumubok sa Cryptocurrency upang gamitin sa buong bansa nila, sa ngayon ang Bangko Sentral ng China ay lumikha na ng kanilang sariliing cryptocurrency.
Hindi maitatanggi na ang ating panahon ngayon ay namulat na sa blockchain technology na nasa likod ng BITCOIN na siyang pangunahing digital coin sa ngayon. At maraming mga advantage ang technolohiyang ito kung kaya nga halos unti-unting parang kabote na nagsusulputan ang ibat-ibang cryptocoins.
Sa dinami-daming matatalino dito sa atin, hindi mahirap para sa atin na makabuong isang team para magpasimula ng ganiton uri ng proyekto. Kung ang ETHERIUM ay ginawa na mas higit ang kapangyarihan sa BITCOIN, at ang CHINA ay naglabas ng NEO na mas higit ang abilidad sa ETHERIUM, sana may makapag simula din ng higit dito na mula naman sa ating minamahal na bansa. Hindi lang dahil uso, kundi talagang maraming magagawang mabuti ang ganitong teknolohiya. Isipin na lamang isang cryptocurrency na gawang pinoy... na mas higit pa ang kakayahan sa BITCOIN, ETHERIUM, at NEO.
Pwede na kayong mag suggest kung anong itatawag dito....
Sana magkaisa ang lahat ng pilipino dito. Mapatao or mga ahensya na tulad ng bangko sentral at mga agency na may kinalaman sa pera at technology. Maging ang ating gobyerno ay sana makiisa kung gusto natin mapatupad ito. At kung sakaling bibigyan ako ng pagkakataon na bigyang pangalan ang gagawin nais kong tawagin itong PHENOM PESO or PHP dahil ang phenom ay parang isang pangyayaring kakaiba at parang may malakas na dating at ganun ang gusto ko mangyari.