better to share this in public. tingin ko lahat ng mga nandito na pinoy ay aware na sa ganyang modus except sa mga newbie na talagang baguhan na.. Sana marami ang maliwanagan na pinoy na isa si bitcoin na tutulong para mabawasan ang unemployment natin dito sa bansa.
Sang ayon ako dyan, sana talaga manahimik nalang at makonsensya ang mga scammers na yan kasi nakakaawa ang mga taong naloloko nila, kaya maging maingat lang tayo sa bawat galaw natin.
Kaya nga mayaman sila eh, hindi po talaga natin mapplease ang mga tao lalo na po pagdating sa pera talagang gagawa po sila ng paraan kahit na pagloloko ng mga tao, sa akin naman hayaan ko lang sila ang importante hindi tayo yon at malinis ang konsensya natin, mahirap din kasi ang magjudge tayo ng tao kaya po hayaan na po natin ang Diyos na manghusga sa kanila.
Tama po kayo diyan kaya po sabi nila walang maloloko kung walang papaloko talaga kaya po deserve din po nila yon kung bakit sila wanted ngayon sa bansa natin sana nga mahuli na sila pati si Xian dahil may alam pa din sila kahit papaano di po ba, tsaka for sure pinagtatakpan niya ang kanyang mga magulang.