Sa pagsasaliksik ko sa bitcoin lagi po akong napupunta sa mga articles na sinasabing ban daw po ang bitcoin sa China? Hindi lang po klaro sa aking kung bakit po kaya nila ayaw ang bitcoin? Ano po kaya ang konkretong dahilan ukol dito sa mga nakakaalam pakishare naman po. Salamat.
Ang pinakasimpleng sagot po dito ay dahil ayaw ng China sa bagay na hindi nila kayang kontrolin. Hindi naman sa literal na ayaw nila sa Bitcoin ngunit ang hindi nila gusto dito ay yung function nito na pagiging decentralized, o kumbaga wala siyang central authority na pwedeng diktahan. Alalahanin natin na ang gusto ng China ay malagpasan ang US at tapusin na ang hegemony nito. At para magawa nila yun ay kailangan muna nilang wakasan ang pamamayag ng US Dollar. Pero hindi nila yan magagawa kung mayroon panibagong aangat na innovation na hindi nila kayang hawakan. Yan yung kaso sa Bitcoin. Kung titignan mo lahat ng blockchain technology, na may kaakibat na cryptocurrency, na inallow ang China, lahat sila ay pawang mga permission blockchains o mga base sa DNA (Distributed Networks Architecture) katulad nalang halimbawa ng NEO (Onchain). Kasi kapag sinabing permission, nandiyan na papasok yung regulation at control. Iyang NEO o yung Onchain ni Da Hongfei ay pwede yan madiktahan o makontrol ng gobyerno ng China pero ang Bitcoin hindi. Hindi kasi base yan sa DNA o DLT kundi may sarili siyang network na kaiba sa kanila.