Post
Topic
Board Pilipinas
Re: A proposal for Philippines to have its own Cryptocurrency
by
Laodungchun
on 20/02/2018, 14:22:49 UTC
Ayon sa isang Blog ang CHINA ang kauna-unahang bansa na sumubok sa Cryptocurrency upang gamitin sa buong bansa nila, sa ngayon ang Bangko Sentral ng China ay lumikha na ng kanilang sariliing cryptocurrency.

Hindi maitatanggi na ang ating panahon ngayon ay namulat na sa blockchain technology na nasa likod ng BITCOIN na siyang pangunahing digital coin sa ngayon. At maraming mga advantage ang technolohiyang ito kung kaya nga halos unti-unting parang kabote na nagsusulputan ang ibat-ibang cryptocoins.

Sa dinami-daming matatalino dito sa atin, hindi mahirap para sa atin na makabuong isang team para magpasimula ng ganiton uri ng proyekto.  Kung ang ETHERIUM ay ginawa na mas higit ang kapangyarihan sa BITCOIN, at ang CHINA ay naglabas ng NEO na mas higit ang abilidad sa ETHERIUM, sana may makapag simula din ng higit dito na mula naman sa ating minamahal na bansa.  Hindi lang dahil uso, kundi talagang maraming magagawang mabuti ang ganitong teknolohiya.  Isipin na lamang isang cryptocurrency na gawang pinoy... na mas higit pa ang kakayahan sa BITCOIN, ETHERIUM, at NEO.

Pwede na kayong mag suggest kung anong itatawag dito....




Posibleng magkaroon nga tayo ng sariling digital currency at maaaring maraming tumangkilik nito na ating mga kababayan. Bukod dito, makaktulong din ito sa pag-angat ng ekonomiya lalo na't kapag naging suportado ito ng ating gobyerno. Maaari natin itong pangalan na PHL

Maganda nga kung magkakaroon tayo ng sariling coins. Bukod sa dadami ang taong magiging interesado sa Blockchain at sa Crypto Currency makakatulong pa ito para mapaunlad pa lalo ang ating mahan na bansa. Syempre sa tax at Buy and Sell ng coins lalo na kung supurtado ito ng gobyerno, O gobyerno natin mismo ang nagpapatakbo nito. Sana ay mangyari nga ito upang ang ating bansa ay mamulat at ang mga mahihirap na pilipino ay magkaroon ng pagkakataon na makaahon din sa hirap sa tulong ng crypto currency