Nag register ako sa Bitcointalk dahil isa ito sa task na binigay nang client ko. Sa una, ang alam ko lang ay gawin yung mga task na pinapagawa nya. Habang nagbabasa ako ng mga threads at comments ng mga higher ranks, na realize ko na binigyan pala ako ng opportunity ng client ko at nagpapasalamat ako kase isa ako sa Pilipina na naging involve sa Bitcoin.
Marami talaga sa atin ay galing sa pag aya ng mga kaibigan o kakilala at mangilan ngilan ay galing sa pag reresearch at matuklasan ang forum na ito,Kaya malaking oportunidad ito na matuto tayo at kumita gaya ng iba nating mga kababayan.