Post
Topic
Board Pilipinas
Re: CX - The Philippines' First Digital Currency Exchange
by
eldrin
on 21/02/2018, 08:41:56 UTC
Sa mga naghahanap ng official announcement about CX, narito po ang post ng coins.ph: https://www.facebook.com/coinsph/videos/1408077185988700/

Edited the op dahil madami pa din ang nalilito o mali ang pagka-intindi, included the difference between coins.ph and CX:


Ano ang difference ng CX at coins.ph?
  • Digital wallet ang coins.ph, kung dito tayo bibili o magbebenta ng BTC, coins.ph mismo ang ka-transact natin.
  • Ang CX naman ay isang exchange, tulad ng binance, bittrex, poloniex, mga katulad lang din natin na ordinaryong tao ang ka-transact natin.
  • Sa coins.ph, kung ano ang current price ng BTC, yun lang ang buying at selling price.
  • Samantalang sa CX, tayong mga users mismo ang maglalagay sa price at hindi ang CX.

Ang CX po ay hindi cryptocurrency, uulitin ko po, exchange po ito tulad ng binance at bittrex. Wala pong mangyayaring ICO dahil wala namang inintroduce na sariling cryptocurrency ang coins.ph, maliban nalang kung tutularan nila ang Binance ("BNB"). Kung may balita man, wala po akong idea.



Sakaling gamitin na ito at iopen na for public, pwede ba magwithdraw mula sa cx exchange directly sa bank account? Talaga bang sa coins.ph madedeposit at hindi pwede sa bank account?
Ayos sana ito kung pwede makapagcashout thru bank kasi sa coins.ph may limit ang pagwithdraw kapag hindi pa level 3 verified.

Yun po ang kagandahan ng CX, pwedeng-pwede po magwithdraw at direct sa bank account mo na ito. At pwede rin po magdeposit thru bank, pero as of now, sa UnionBank palang pwede. Hopefully, madagdagan ng ibang options.


Awesome. Gusto ko to. Unang exchange sa PH? so this means hindi na natin kailangan pumunta sa ibang exchange to have other altcoins. Yong balance ba natin sa coins kita directly sa exchange?

Tama po, first exchange sa Pilipinas na bukod sa BTC, may altcoins na supported. Since magka-ibang platform ang CX at coins.ph, hindi po magre-reflect sa CX ang balance mo sa coins.ph


hi, thank for the OP. sumali na po ako sa whitelist nila, ask ko lang, panu ko magagamit ung beta exchange nila, as of now kasi, hindi padin ako makapag login sa kanila.
edited:
Di bali nalang pala, ngayon ko lang nabasa na sa piling coins.ph user lang sya pinapagamit, and I'm not one of them, too bad, anyways. Improvement din to para sa mga coinsph user, we don't need to go to other exchanges
just to buy some token that we need. saka, sa tingin ko, mas magiging mura ang transaction fee natin dahil pwedi nating gamitin ang ETH and LTC para mas mabilis at mas mura ang pag ttransact natin.

Wait nalang po natin e-mail nila, kaka-announce lang po nito kahapon kaya the next few days pa siguro mapipili ang mabibigyan ng early access.