Post
Topic
Board Pilipinas
Re: A proposal for Philippines to have its own Cryptocurrency
by
xianbits
on 23/02/2018, 15:50:39 UTC
Ayon sa isang Blog ang CHINA ang kauna-unahang bansa na sumubok sa Cryptocurrency upang gamitin sa buong bansa nila, sa ngayon ang Bangko Sentral ng China ay lumikha na ng kanilang sariliing cryptocurrency.

Hindi maitatanggi na ang ating panahon ngayon ay namulat na sa blockchain technology na nasa likod ng BITCOIN na siyang pangunahing digital coin sa ngayon. At maraming mga advantage ang technolohiyang ito kung kaya nga halos unti-unting parang kabote na nagsusulputan ang ibat-ibang cryptocoins.

Sa dinami-daming matatalino dito sa atin, hindi mahirap para sa atin na makabuong isang team para magpasimula ng ganiton uri ng proyekto.  Kung ang ETHERIUM ay ginawa na mas higit ang kapangyarihan sa BITCOIN, at ang CHINA ay naglabas ng NEO na mas higit ang abilidad sa ETHERIUM, sana may makapag simula din ng higit dito na mula naman sa ating minamahal na bansa.  Hindi lang dahil uso, kundi talagang maraming magagawang mabuti ang ganitong teknolohiya.  Isipin na lamang isang cryptocurrency na gawang pinoy... na mas higit pa ang kakayahan sa BITCOIN, ETHERIUM, at NEO.

Pwede na kayong mag suggest kung anong itatawag dito....

Kung may ganyang nagpaplano, ang unang nakikita kong kailangang gawin ay ang mapaganda muna ang pangalan ng mga Pinoy sa mga taga-ibang bansa. Marami akong nababasa na hindi masyadong magandang feedbacks sa mga Pinoy na nasa crypto. Ako man, hindi ako masyadong nagtitiwala ng husto sa kapwa natin Pinoy kasi minsan narin akong napasok sa isang failed project na Pinoy ang may gawa.
Kakailanganin natin ang trust ng mga dayuhan para mai-consider nila na mag-invest at supportahan ang proyektong ito. Kung sa talino, hindi naman tayo masyadong nauungasan ng ibang lahi pero kung "tiwala" ang pag-uusapan, hindi ko masasabing andon na tayo sa point na "mapagkakatiwalaan". I don't intend to offend anyone. I hope we won't take it negatively but a challenge to us.