Mga mam at sir ask ko lang po, pag di ko po ba nawithdraw ung mga coins ko hindi po ba ito mawawala? Gusto ko po kasi sanang ipunin muna lahat. Ano po kaya mas magandang gawin? Withdraw agad or keep the coins muna sa coins.ph. Pa help naman po.
hindi naman po sila mawawala sa coins.ph wallet mo pero yung price po nila ay tataas at bababa din or mag flu fluctuate depende sa current price ng bitcoin. kaya naman i suggest i convert mo yung bitcoin mo sa php kung gusto mo siya ipunin sa loob ng coins.ph wallet mo, yun kase yung strategy ko at mas kampante ako doon kesa sa pataas baba yung pera ko. madalas kase ang pag baba ng value ng bitcoin kesa sa pag taas base sa experience ko.